MIRNANaramdaman ko ang pagkabigat ng dibdib ko. Ramdam ko na may mali talaga. Hindi basta-basta magkakaganoon si Ma'am Audrey kung walang dahilan.Mabilis akong naglakad pabalik sa kusina kung saan nandoon pa rin si Fe. Nakita ko siyang bahagyang namumutla habang nagliligpit ng mga gamit. Nang magtama ang mata namin, agad siyang umiwas at nagkunwaring abala sa ginagawa niya. Lalo tuloy akong nagduda.Habang iniisip ko ang mga sinabi ni Sir Carlton sa telepono na pinapaimbestigahan niya kung ano ang kinain o ininom ni Ma'am Audrey bago isinugod sa ospital biglang pumasok sa isip ko ang lahat ng kinilos ni Fe simula kaninang umaga. Ang pamumutla niya, ang pagtatago niya ng kung ano sa bulsa, at higit sa lahat, ang pagmamadali niyang hugasan ang tasa na pinag-inuman ni Ma'am Audrey. Hindi normal 'yon.Agad kong pinuntahan sina Agnes, Lucia, Amy, Bea, Emily, Karla, Violy, at Sandra na nagtitipon sa may bandang laundry area para mag-usap tungkol sa nangyari."May gusto akong sabihin sa in
اقرأ المزيد