FEWalang humpay ang pag-agos ng mga luha ko habang nakasiksik ako sa malamig at madilim na sulok ng selda. Kasama ko rito ang ilang babaeng preso na halos hindi man lang ako tinititigan, ngunit ang bigat ng bakal na rehas at ang masangsang na amoy ng presinto ay lalong nagpapasikip sa aking paghinga.Napahawak ako sa aking tiyan nang bigla itong kumirot at magwala, isang matinding sakit na dulot marahil ng labis na takot, gutom, at stress."S-Sir..." nanginginig na tawag ko sa pulis na nakatayo malapit sa hallway. “Pakiusap po... sumasakit po ang tiyan ko, dudumi lang po ako sa CR."Bumuntong-hininga ang pulis, kinuha ang susi sa kanyang beywang, at binuksan ang pinto ng selda. "O sige, bilisan mo lang at huwag kang gagawa ng anumang kalokohan."Sinamahan ako ng pulis patungo sa banyo na nasa dulo ng madilim na hallway. Pagkatapos kong gumamit ng CR, pinalabas na ako ng guwardya. Pero habang dahan-dahan akong naglalakad pabalik sa selda, napahinto ang mga hakbang ko nang marinig ko a
Read more