aSabay kaming naglakad papunta sa private room. At hindi pa man kami tuluyang nakapasok, dinig na dinig na agad sa labas ang pamilyar at masiglang boses ni Ashley. Napangiti ako. Kumatok muna ako bago binuksan ang pinto. Sabay-sabay silang napatingin.Sa isang iglap, parang may kung anong huminto sa loob ng silid. Saglit na katahimikan ang namutawi sa loong ng private room. Halos maglaglag pa ang panga ni Ashley sa pagkamangha. Biglang siyang tumayo at lumapit sa akin. Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. “Miss beautiful,” aniya, seryosong-seryoso ang mukha, “may I ask if your surname is Enriquez and your given name is Gaile?” Natawa ako. "I'm Ashley." “Grabe,” kunwaring napailing siya, itinataas ang baba. “I’ve long heard that Ashley is a beauty of unparalleled grace and beauty—and seeing her today, I can confirm it’s true.” Natawa ako lalo. At bago pa ako makapagsalita, niyakap na niya ako at ginantihan ko iyon nang mas mahigpit na yakap din.
続きを読む