GAILE POV Pagbalik namin sa court ni President Fuego, muli siyang humingi ng paumanhin sa lahat lalo na kina Laurence at Aldrin. Aniya. dahil sa mungkahi niya na makipaglaro kina Kainde, ay may nangyaring hindi maganda at nasira pa ang mood ng lahat. Mabilis namang umiling si Laurence. "Don't take it to heart. Aksidente ang nangyari... And that has nothing to do with you, Sir." Saglit na natigilan si President Fuego bago dahan-dahang napangiti, tila ngayon lang siya tuluyang nakahinga nang maluwag. "Totoo pala ang mga rumor na mas approachable and President ng LS kaysa sa President ng-" hindi niya natuloy ang sasabihin nang mapalingon siya kay Maverick. Napalunok siya at dinaan niya sa tawa ang dapat na sana'y sasabihin. "Kaysa sa iba," aniya na lang. Tahimik ko lang silang pinagmamasdan. Hindi na ako nagulat. Bilang president ng isang kilalang financial magazine, natural lang na updated siya sa galaw ng malalaking pangalan sa industriya, lalo na sa pagitan ng LS at KM. Kay
Read more