Bahagyang kumunot ang noo ni Kaiden, pero hindi siya sumagot agad. “I think Hope likes her quite a bit,” patuloy ni Elizabeth, mas malambot na ngayon ang tono. “She’s growing up. You can’t always take care of everything alone. You also need to think about your own life… so Hope can have someone who’ll stay with her properly.” Sumeryoso si Kaiden. "Let's talk about it when she is a little older," pagpuputol niya sa usapang iyon. Mahinang napabuntong-hininga si Elizabeth. Kahit gusto niya, hindi niya naman hawak ang desisyon ni Kaiden. Hindi niya rin ito kayang kontrolin at diktahan tungkol sa kasal. "Alright. But have you settled the divorce with Gaile?" tanong niya. Sa pangalan pa lang na iyon, bahagyang nag-iba ang hangin sa sala. Para kay Hope handa niyang tanggapin si Gaile pero nanag malaman na tila inabanduna nito si Hope, nadagdagan lang lalo ang disgusto niya rito. Nanlamig bigla ang mga mata ni Kaiden. "No," maikli at seryoso niyang sagot. Napailing si Elizabeth at
Baca selengkapnya