Naglakad palayo ang matanda ngunit matapos ang limang hakbang ay nilingon siya nito, “Let's talk in a private room, Mr. Salazar," ma-awtoridad nitong utos. Butlig-butlig at malalamig na pawis ang lumalabas ngayon sa katawan ni Noah pagpasok pa lamang niya sa private room ng mga Villamore. "I know you have plenty of connections here in the Philippines. Let's have a deal," paunang wika ni Alfred nang makaupo ito sa isang malaking couch. Sinenyasan niya si Loraine na lumabas muna at sinunod naman ito ng dalaga. Napalunok ang binata sa sobrang kaba. Hindi siya maka-imik at maging ang kan'yang kamay ay nagsisimula nang mawalan ng pakiramdam dahil sa lamig nito. "To be honest, I was surprised earlier. Hindi na sana kita papansinin because I've already placed my bet on another man, but you kicked in my interest. Hindi ko akalain na ipagtatanggol mo si Raine sa harap ko mismo. Maybe you have what it takes." Tinignan niya nang mata sa mata si Alfred. Kabado man si Noah, pinilit pa rin niy
Magbasa pa