로그인"I thought he was my sanctuary. It turns out, he was my greatest executioner." Si Allyson Mariano ay isang runaway heiress na mas piniling magtago sa anino ng isang corporate empire kaysa maging sunud-sunuran sa kaniyang pamilya. She traded her billions for a simple life—at para sa isang boss na walang ginawa kundi bwisitin ang araw niya. Their office was a battlefield of bickering and tension, but behind the pride, they found a connection no one could break. Arfeo was the only one who knew her secret. Siya ang nag-iisang lalaking nangakong poprotektahan si Allyson, at hinding-hindi siya bibitawan. But every promise was a lie. In one dark night, Arfeo did the unthinkable. Hindi lang siya basta umalis; he orchestrated the betrayal that ruined her life. Ibinenta siya pabalik sa mga "monsters" na tinatakasan niya. He threw her into a 'golden cage' and vanished without a trace, leaving her to rot in the hands of her cruel father. Five years later, Allyson is back. She’s free, she’s powerful, and she’s hunting him down for revenge. But the Daredevil she finds isn’t the same man who broke her. At ang katotohanan sa likod ng gabing iyon? It might shatter her all over again.
더 보기Sa isang malamig at maluwang na opisina ay nagtipon-tipon ang ilang kababaihan. Mas abala pa ang mga ito sa tsismisan kaysa sa trabaho.
"Nabalitaan n'yo na ba?" Isang mahinang pagtili ang narinig ng mga tao sa gitna ng grupo. Lumapit ang dalaga at pabulong-pero halos palahaw na-nagkuwento. "Secret lang natin 'to, ha? Si Sir Arfeo daw, kaya madalas wala sa office... inuuna raw ang pambababae! At sabi pa nila, magaling siyang pumuwesto sa kama!" Sabay-sabay silang tumili but it didn't last long – Parang may anghel na dumaan nang mapansin nilang bahagyang bumukas ang pintuan ng private office. Napasinghap sila nang bigla na lamang lumabas si Arfeo, ang kanilang boss – matangkad, moreno, at may nakakaakit na presensya. Para siyang isang anghel na bumaba sa lupa, lalo na't kumalat na sa loob ng office ang pabango nitong amoy tsokolate. Biglang namutla ang mga babae… Hindi nila maintindihan kung tatakbo ba sila sa cubicle nila para magtago or hihintayin na lang nilang pumasok si Arfeo at magkunwaring walang nangyari. Binalot ng sandaling katahimikan at tensyon ang opisiona. Halatang narinig ni Arfeo ang mga sinabi nila ngunit mas pinili ng binata ang hindi ito pagtuunan ng pansin. He just went straight to the coffee machine and went back to his office with a cute Donald Duck mug. The suffocating atmosphere was immediately lifted upon hearing the doors shut. "Kung totoo ngang magaling siya... subukan mo, Allyson! Sexy ka naman, maganda ka pa," muli nilang pagpapatuloy at isinama pa sa usapan ang isang dalaga sa kabilang sulok ng opisina. Nagpantig ang tenga ni Allyson. Namula siya sa inis. Busy na nga ‘yung tao inaabala pa nila. Ngunit hindi niya ito magawang balewalain dahil baka kung anong tsismis pa ang makarating sa kan’yang boss. "Excuse me? Bakit ako? Hindi ako interesado. At kung totoo man 'yang tsismis n'yo, baka may STD pa 'yang tao, ‘wag na lang," paglilinaw nito. Hindi nila mapigilan ang pagtawa. Sinabayan pa ito ng kanilang mga dahilan. "Eh kasi may dalaw ako, kaya pass muna ‘ko!" "Sa akin naman, butas pa 'yung panty, hindi pa terno." Naghalakhakan ang grupo, pero agad silang natahimik nang magsalita si Ms. Remy, ang kanilang matandang supervisor. "Pinapaalala ko lang, opisina 'to. Trabaho ang ginagawa rito, hindi tsismis. At tigilan n'yo nga ang kalaswaan tungkol kay Sir Arfeo." Saglit na natahimik ang lahat, ngunit pagkatalikod ni Ms. Remy, may sumingit ulit sa bulungan. "Ang sungit talaga ni Ms. Remy. Siguro dahil matanda na, wala nang nagkakagusto sa kan'ya." Habang papalayo si Ms. Remy, hindi naiwasan ni Allyson ang magbigay pa ng kan'yang komento. She was going for a cup of coffee but stopped in her tracks midway. "Pero hindi ba nakakapagtaka?" bigkas nito, habang kinakamot ang ulo. "Bakit kaya pumasok si Sir nang gan'to kaaga?" Sabay-sabay na napatingin kay Allyson ang kan'yang mga ka-opisina. "Madalas mong makita si Boss na pumasok? Saglit ko lang s'yang nakita nu'ng company outing pa." Napakunot-noo si Allyson ngunit diretsyo niya pa ring sinagot ang tanong, "Oo. Mula pa nung unang araw ko dito. Pero ang weird niya, gabi siya pumapasok, tapos may times aalis din siya agad. Trabaho ba talaga 'yon?" Huminto siya saglit, tapos mariing binulong-pero lumakas rin sa huli ang boses niya, "Ginagawa niya bang motel 'tong office? Kadiri naman 'yon. Ang baboy!" Biglang natahimik ang buong opisina. Nanlaki ang mata ni Allyson nang mapansin ang presensya ng lalakimg kan'yang tinutukoy. Nakatayo ito at ilang hakbang lang ang layo sa kan’ya. Alam na alam mong narinig niya ang hindi magandang komento ng dalaga dahil sa ngisi nitong parang asong handang kumagat. "Ms. Mariano. In my office. Now." Malamig ang boses ni Arfeo, halatang pinipigil niya ang inis na nararamdaman. Kinilabutan naman si Allyson. Hindi niya malaman kung ang pag-init ba ng mukha niya ay dahil sa hiya o dahil sa inis na nadawit siya sa isang walang kwnetang tsismis. Hindi ako p'wedeng masisante ngayon! Four months na 'kong hindi nagbabayad ng renta! Hinintay niyang magsalita ulit ang binata. At nang lumapit ito, halos mapako siya sa kan’yang kinatatayuan. "Tara. Let's see if your body is as filthy as your mouth." Parang kinuryente si Allyson, nanlalaki ang mga mata niya at hindi siya makagalaw. Napilitan pa si Arfeo na hilahin papasok ng private office niya si Allyson. "S-sir, sorry po! Pangako, hindi ko na uulitin!" Umangat ang labi ni Arfeo at nagbigay ng isang mapusok na ngiti. "Oh really?" Matalim ang tingin niya habang dahan-dahang naglalakad palapit sa dalaga. "Nagpapakipot ka pa. Alam ko namang may pagnanasa ka rin." Napasandal si Allyson sa mesa, kumakabog ang dibdib niya sa kaba at takot. Balak pa sana niyang muling humingi ng tawad, ngunit natigilan siya nang alisin ni Arfeo ang suot nitong coat at dahan-dahang isinabit sa upuan. Sa bawat galaw nito, ramdam niya ang bigat ng presensya ng binata. "S-sir... gagawin ko lahat. Huwag n'yo lang po akong tanggalin. Hindi naman ako ang nagsimula ng tsismis..." Lumapit pa ito, halos dumikit ang labi ng binata sa tainga niya. Naamoy muli ni Allyson ang halimuyak ng tsokolateng pabango ni Arfeo na siyang muling nagpainit ng mukha ng dalaga. "You know," bulong nito sa isang mababa, paos, at mapanuksong boses, "pwede kitang kasuhan for slander. Pero bakit ko pa gugustuhin ng gulo... if you can pay me in other ways?" Mabilis siyang inikot ni Arfeo at siniil ng katawan mula sa likod. Ramdam ni Allyson ang hininga ng kan'yang boss mula sa kanyang leeg. "Mabuti na lang soundproof ang office ko." Nanlamig si Allyson ngunit ramdam din niya ang init na dumadaloy sa balat niya. Lalong kumabog ang puso niya nang marinig ang boses nitong malambing pero nakakasakal. "Don't worry," dagdag pa ng binata, bahagyang hinihimas ang kanyang beywang, "I'll be gentle. Besides... I always bring protection." Isang malutong na sampal ang kumawala mula sa kanya. "Bastos!" mariin niyang sabi, "Anong tingin mo sa'kin? Baboy ka talaga!" Nagpumiglas siya at pilit na kumawala sa yakap ni Arfeo. Napatigil si Arfeo at napahawak sa pisngi, bago dahan-dahang tumawa. "Siguro naman ngayon, titigil ka na sa pagsunod-sunod sa'kin?" Tumalim ang mata nito. "Stop stalking me, Allyson. You're giving me the creeps." Nanlaki ang mga mata ng dalaga. "W-what? Ako? Stalker?!" Ngunit bago pa siya makapagsalita, tumunog ang cellphone ni Arfeo at agad naman itong sinagot ng binata. Lumayo siya panandalian sa dalaga at umupo sa office chair nito. Masusi niyang pinagmasdan si Allyson kaya't wala ring magawa ang dalaga. "Hello, Ash?... Sorry, na-traffic lang ako. Na-stuck ako for three hours. Promise, kanina pa akong seven nandito," palusot nitong bigkas. Pag-upo pa lang ni Allyson sa swivel chair ay biglang napunit ang laylayan ng skirt niya. Nanlaki ang mga mata niya, sabay mabilis na tinakpan ang kan'yang mga hita. “Shit…” mahina nitong bulong at namula na agad sa hiya. Agad naman itong napansin ni Arfeo. Pinagbabaan niya ang kan'yang kausap at mabilis na ibinaling ang atensyon sa dalaga. Napakunot ang noo niya habang nakatukod ang siko sa mesa, at pinagmamasdan ang pamumula ng dalaga. “What’s that?” “W-wala!” mabilis na sagot ni Allyson, pinagdikit pa niya lalo ang mga tuhod at mariing tinakpan ng folder ang sarili. Pero mabilis si Arfeo. Bago pa siya makakilos, nakasilip na ito sa gilid ng mesa at bahagyang tumikhim—sabay ng isang mapang-asar na ngisi. “Flat-chested ka na nga…” mabagal at puno ng panunukso ang boses nito, “…Donald Duck pa ang panty mo.” Parang binuhusan ng yelo si Allyson. Namutla siya at mabilis na tinakpan muli ang laylayan ng skirt. “A-anong sabi mo?!” Lumapit si Arfeo, bahagya siyang yumuko at halos magdikit ang kanilang mukha. “Ay…” ngising bigkas ng binata habang nakapako ang tingin sa kanya, “bakit parang nabaril si Donald? Dinudugo?” “PUT—!” Hindi na nakapagpigil si Allyson, mabilis niyang hinampas ng folder ang dibdib ng binata. “Ang bastos mo! Ano bang klaseng lalaki ka?!” Pero sa halip na mainis, tumawa lang nang malakas si Arfeo, halos mapasandal na siya sa dingding kakahalakhak. “God, you’re really entertaining, Ms. Mariano. Alright, you have a special priviledge now. You can be casual with me." "Is that even a priviledge? It's a curse! Sumpa!" bigkas ni Allyson habang pilit niyang tinatakpan ang laylayan ng skirt niya, pero mas nakakainis—hindi siya makaalis dahil putol ang takong niya. “Magre-resign na ako. Ayoko na talaga,” madiin niyang sabi sabay iwas ng tingin. Panandaliang natahimik si Arfeo. Dahan-dahan siyang lumapit sa dalaga at inalalayan ang braso ni Allyson para hindi ito matisod. “Easy, baka madapa ka pa. Ang arte mo, pero ang totoo—nahihiya ka lang.” “A-ako? Nahihiya?!” Biglang umangat ang tingin ni Allyson, at sa sobrang lapit nila, halos magdikit na ang labi nila. Pareho silang napatigil, napako ang mga mata nila sa isa’t isa. Sa sandaling iyon, parang may anghel na dumaan at tanging malakas na tibok ng puso lang ni Allyson ang naririnig niya. At bago pa makaiwas ang dalaga, dumikit nang bahagya ang labi niya kay Arfeo. Isang mabilis na accidental kiss—pero sapat para mag-init ang mukha nilang pareho.Ibinaba ni Arfeo ang tawag at hindi na hinintay pang magbigay-komento ang kan'yang kausap sa kabialng linya. Isinuksok niya ito sa kan'yang bulsa at iniwang tumutunog. Mabilis niyang binuhat si Allyson. Gustuhin man niyang lumaban, hinid niya ito magawa dahil sa labis na panginginig at panghihina ng katawan. "Look, Im not going to harass you or anything. I'm just claiming back what's mine from the start." Maingat na isinakay ni Arfeo ang dalaga at pinaharurot ang kotse nitong animo'y naging isang puting kometa sa bilis. "Where do you plan to take me?" Napangisi siya na nagbigay-kaba naman kay Allyson. "We're going to my den. Pagdating natin do'n, hindi ka na makakatakas sa mga tanong ko." "Why are you taking orders from that man?" Napakunot-noo ang binata nang margining ang sinabi nito. "Why did you looked so scared when you found out about Dimitrio?" Nagmenor ito at inihinto ang sasakyan. Hinarap niya ang dalaga at mata sa matang sinabing, "Confess to me, kilala mo ba si
Walang salitang lumabas kay Allyson sa halip ay nagtungo siya sa kusina at naglabas ng dalawang tasa sa lamesa. Kinuha rin niya ang asukal at ang nakagarapong kape. Nagdaop ang dalawang bisig ng binata, kasabay nito ang pagtaas ng kan'yang dalawang makapal na kilay. "'Wag mong sabihing babaratin mo 'ko?" Napatawa na lamang siya nang magunita ang pagngising ginawa ng dalaga. "Barat ka nga. Isang kuripot na magaling." "Kung binigay mo lang kasi sa akin ang s'weldo ko nang mas maaga, 'di sana maiilibre kita? May-ari pa man din ng kumpanya. Sino kayang mas kuripot sa 'tin?" "I do not own that company. Presidente lang ang CEO. Gets mo? Presidente, hindi may-ari. Besides, 'yung HR n'yo ang tanungin mo. I have my hands full already. Pati sweldo ng emplayado responsibilidad ko pa rin?" Natawa ang dalaga sa ginawang pagsinghal ng binata. Lihim siyang napangisi sa mga gawing naipamalas ni Arfeo. Muli pa sanang bibirit ng isang hugot-kumpanyang litanya ang binata ngunit natigilan siya na
Natigilan si Arfeo sa banta ng dalaga. Tahimik na ipinagpatuloy ni Allyson ang kan'yang ginagawa. Isang malapad na ngisi ang ipinaskil ng kan'yang mga labi. Sapat ng ganti para kay Allyson ang pagpilit kay Arfeo na isuot ang babad sa tubig-taeng Melody-designed pink apron upang maging kapalit sa kan'yang paglilinis. Ilang minuto lamang ang binilang ni Allyson upang tuluyang maayos ang inidoro. No'n lamang niya na-realize ang kagimbal-gimbal na sitwasyon ni Arfeo. Pinihit niya ang kan'yang baywang upang maharap ang binata na nagmamasid lamang sa kan'ya. Kitang-kita sa kilos at nandidiring ekspresyon ng binata ang pagka-ilang mula sa kan'yang suot na apron. "Walang matinong sabon o shampoo sa bahay na 'to. If you plan to clean yourself, tubig lang ang mayro'n dito," anito at lumabas sa palikuran. Pigil na pigil ni Allyson ang kan'yang pagtawa mula sa blangkong ekspresyon ng binata matapos malaman ang tunay na sitwasyon. Mabilis na hinalungkat ng binata ang kan'yang dalang mga gami
Tahimik na pinasok ng dalaga ang rest house at maingat na nilapitan ang lalaking nakasalampak sa sofa. Masinsin niyang tiningnan ang hubog ng lalaki. "I didn't expect to find a sleeping maid in Noah's house. Lumabas lang ako para humanap ng agahan, pagbalik ko isang bading na maid na ang nakita ko." Humigop ang dalaga ng mainit-init na taho na kan'yang binili sa kanto. "Ang cute pa man din ng pink apron na suot niya. Pero what's up with the mask? Siya kaya ang maglilinis ng C.R.?" Sinubukang tanggalin ng dalaga ang mask na suot ng lalaki. Dadais pa lang sana ang mga palad nito sa mask ng binata nang biglang magmulat ng mata ang lalaki. Sa gulat ng dalaga, nalaglag niya ang kan'yang taho sa mismong apron nito. "I'm sorry! Nagulat lang ako kaya - -" Biglang pinihit ng lalaki ang baywang ni Allyson at inilapit ito sa kan'ya. Isang halik ang agad na naibigay nito sa dalaga – halik na may nakapagitang mask sa kanilang mga labi. Pinilit ni Allyson na kumawala at bumitiw sa halik ng bin












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.