Hindi na kayang magtago ni Lena. Hindi sa sarili niya. Hindi kay Adrian. At lalong hindi kay Isabella. Kinabukasan, pumasok siya sa opisina na walang balak umiwas. Kung may laro mang nangyayari— Hindi na siya magiging tahimik na piraso. “Good morning,” bati ng isang katrabaho. Ngumiti siya—pilit, pero buo. Ngunit bago pa siya makaupo— May mensahe na agad. Executive Lounge. Now. —Isabella Napabuntong-hininga si Lena. “Of course…” bulong niya. Pagpasok niya sa lounge— Nandoon si Isabella. Nakatayo sa tabi ng bintana, hawak ang coffee cup, kalmado na parang wala siyang iniintindi. “You came fast,” sabi nito, hindi pa lumilingon. “May kailangan po ba kayo?” diretso niyang sagot. Ngumiti si Isabella. Dahan-dahan siyang humarap. “I like that,” sabi nito. Napakunot ang noo ni Lena. “Hindi ka na masyadong natatakot.” Tahimik si Lena. “Or maybe…” dagdag ni Isabella, lumapit nang bahagya, “you’re just tired of pretending.” Tumama iyon. Diretso. “Ano po ba talaga an
最終更新日 : 2026-03-27 続きを読む