Pagod na pagod ang maghapon ni Veronica dahil kanina pa siya nag-a-apply ng trabaho. Halos lahat na yata napuntahan niya makahanap lang ng trabaho para matugunan ang pangangailangan ng kanyang mga anak. Hindi lang kasi isa ang anak na meron siya kundi lima. Hindi niya alam kung anong klaseng sperm meron ang nakasex niya noon. At nakabuo sila ng limang supling ng isang gabi lang. Pagpasok niya sa loob ng bahay. Nagsulputan ang limang anak niya at yumakap sa kanya. "Mommy, you're here." wika ng limang anak niya na mahigpit na yumakap sa kanya. Kasunod ang lola ng mga ito na nakasimangot. "Mama, nakasimangot ka na naman?" tanong ni Veronica sa kanyang Mama Constancia. "Hello, nagtatanong ka pa talaga Veron, ikaw kaya mag baby sitter nang mga anak mo?" nakasimangot na wika ng kanyang Mama. Bumulong siya sa mga anak niya. "Kayo pinahirapan niyo na naman ba ang lola niyo kaya nagda drama?" tanong niya sa limang anak. Lahat ito umiling. "Maybe, she wanted to be a drama quee
Dernière mise à jour : 2026-04-03 Read More