Walang reception pagkatapos ng kasal. May kakaiba kasing naramdaman si Roald na hindi niya maipaliwanag kung ano nga ba ito. Tapos na ang seremonyas. Tapos na ang mga taong nagpa picture sa kanila. Tapos na ang lahat ng pagbati ng mga tao na nagsasabing at pumupuri sa kanilang dalawa. "Bagay kayo ni Denise, Roald!" Pero si Roald, tahimik lang ng buong araw na iyon. Wala siyang pakialam. Para sa kanya, simpleng kasal lang yun. Hindi pa ito ang nais niyang kasal na ibigay para kay Denise. Pagdating nila sa kwarto, sa wakas, silang dalawa na lang. Nakaupo si Roald sa wheelchair. Nakatingin sa babaeng nakasuot ng puting gown, nakasuot pa rin ang veil nito, nakaupo sa gilid ng kama habang nanginginig. "Tanggalin mo na yung veil mo, Denise. Tapos na yung drama." malamig na sambit ni Roald. Hindi sumagot yung babae. Mas lalo lang itong nanginig. "Sabi ko, tanggalin mo na. Ayoko nang makipaglaro." Dahan-dahang itinaas ng babae ang kamay niya. Tinanggal ang veil. At dun, p
Read more