EVORIE EVEIsang linggo.Isang linggo na ang nakalipas mula noong gabing iyon—ang gabing binalot kami ng nag-aalab na silakbo ng damdamin ni Alistair sa loob ng silid na ito.Ngunit pagkatapos ng gabing iyon, nagising na lang ako na wala na siya sa tabi ko. Malamig na ang higaan. At ang mas masakit, hindi na siya muling bumalik o nagpakita sa akin sa loob ng pitong mahabang araw. Walang tawag, walang mensahe, at walang kahit anong paramdam. Isang linggo ko nang pinapakalma ang sarili ko, ngunit ang katahimikan niya ay unti-unting pumapatay sa akin.Napatingin ako sa labas ng bintana habang suot ang aking simpleng bestida. Ilang linggo na akong parang preso rito, hindi pinapayagang lumabas ng penthouse dahil sa "seguridad" ko raw. Nababaliw na ako sa pag-aalala, sa takot, at higit sa lahat, sa matinding pangungulila sa kaniya. Sa tuwing ipipikit ko ang aking mga mata, ang kaniyang boses at init pa rin ang hinahanap ng sistema ko.Naibaling ko ang tingin ko kina Brittany at Ginger nang
Magbasa pa