Inilapag ko ang folder sa babasaging mesa, mismo sa harap ni Paula. Napatitig lang siya rito at hindi man lang ako matingnan nang diretso sa mga mata.Halata ang puyat at matinding stress sa mukha niya. Namumutla rin siya at bakas ang pangingitim sa ilalim ng kaniyang mga mata.“Hindi ko tatanggapin ang resignation mo,” walang paligoy-ligoy kong saad bago sumandal sa sofa at pinagkrus ang mga binti.Pag-angat ng mukha niya, nagtama ang aming paningin. Direkta ko siyang tinitigan nang seryoso, pero nanatili akong kalmado.“Umalis ka sa mansiyon noong isang gabi nang hindi nagpapaalam sa amin ni Alistair. Binlock mo kaming lahat—hindi lang kami, pati sina Ness, Bianca, Lindsey, at Elaine—kaya hindi ka namin ma-contact. Pinuntahan pa namin ang bahay ninyo pero wala ka roon. Tapos pagpasok ko kanina sa opisina, resignation letter mo agad ang bumungad sa akin. Kaya pinahanap kita, at nang malaman kong narito ka sa subdivision na ito, agad akong pumunta
อ่านเพิ่มเติม