“Ydrael... hindi ko mapapalampas itong ipinagawa mo sa anak ko,” panimula ni Yvette, ang kanyang boses ay nanginginig sa matinding insulto bago niya marahas na hinila ang anak para patayuin.Napilitan namang tumayo si Rafael.“Ikaw rin, Violet. Tumayo ka,” utos nito sa kapatid ko.Pinilit ni Violet na tumayo, pero dahil sa paa niyang naka-aircast, hindi niya agad nagawa, kaya naman mabilis siyang inalalayan ni Rafael.“Ang lakas ng loob mong paluhurin ang anak ko, Ydrael. Hindi mo siya alipin,” dagdag na asik pa ni Yvette sa kanyang bunsong kapatid habang ang kanyang mga mata ay nanlilisik sa galit.Napangisi lamang si Alistair—isang malamig at mapang-uyam na ngisi.“Anong itsura ng kapatid ko, Eve? Gusto kong malaman kung anong klaseng aura mayroon siya ngayon,” utos niya sa akin.“Kulubot na ang kanyang itsura ngayon, Alistair. Halata na ang katandaan niya kahit pa naka-makeup siya nang makapal,” sagot ko sa isang patay-maling tono na ikinagalit naman nang husto ni Yvette.“Anong sa
آخر تحديث : 2026-04-04 اقرأ المزيد