EVORIE EVEIlang minuto ang lumipas, biglang huminto ang sasakyan. Minaniobra ni Marco ang sasakyan pabalik sa dinaanan namin.“Bakit tayo bumalik, Marco?” pang-uusisa ko sa kaniya.“Nag-text po sa akin si Boss. Pinababalik po kayo sa restaurant,” pagbibigay-alam niya sa akin habang nakatingin sa rear-view mirror.“What? No. Umuwi na tayo,” pakikipagmatigasan ko sa kaniya. “Marco, iliko mo na ang van at dumiretso na tayo sa Sapphire Building,” may diin na utos ko sa kaniya.“Pasensya na po kayo, ma'am. Si Sir Ydrael po ang nagpapasahod sa akin kaya utos niya po ang susundin ko,” tugon niya na ikinabuntong-hininga ko na lang.“Fine,” usal ko at may inis na isinandal ang sarili ko sa upuan.---Pagkabalik namin sa restaurant, agad na bumaba si Marco mula sa driver's seat at mabilisan akong pinagbuksan ng pinto.“Diretso raw po kayo sa VIP room,” aniya.Napaikot ako ng mga mata sa matinding pagkairita at frustrasyon.“Siya na lang ang lumabas at tumungo rito. Ayaw ko nang bumalik sa loob
Read more