Hindi siya agad sumagot. Nanatili lamang siyang nakatingin sa akin, na para bang may nais siyang sabihin ngunit hindi niya alam kung paano iyon sisimulan Natahimik ang maliit naming sala. Tanging mahinang ugong ng electric fan at banayad na paghinga ng kambal mula sa kanilang silid ang tanging maririnig. Ilang segundo ang lumipas bago siya tuluyang humakbang palapit sa akin Marahan niyang inabot ang isa kong kamay. Bahagya akong napasinghap nang maramdaman ko ang init ng kanyang palad. Napatingin ako sa magkahawak naming kamay bago dahan-dahang itinaas ang tingin ko sa kanyang mga mata. At doon nagtagpo ang aming mga tingin. Hindi ko mawari kung ano ang nais niyang ipahiwatig, ngunit malinaw kong nakita sa kanyang mga mata ang pag-aalinlangan At higit sa lahat... Isang damdaming tila matagal na niyang kinikimkim at pilit pinipigilan. "Althea...” Mahina niyang tawag sa pangalan ko, halos pabulong. Napalunok ako. “Sir...?” Hindi siya agad sumagot. Sa halip, marahan niyan
Read more