Gavin POV Hindi ko gusto ang mga hapunang walang malinaw na dahilan. At mas lalo kong ayaw ang mga hapunang si Helena ang nag-aanyaya nang hindi muna nagpapaalam. Alam ko ang asawa ko. Kilala ko ang paraan ng paggalaw ng isip niya. Kapag masyado siyang kalmado, may iniisip siya. Kapag masyado siyang mabait, may sinusukat siya. At nang makita ko ang paraan ng pag-imbita niya kay Elyse sa conference room kahapon may malamig na kutob na agad akong naramdaman. Hindi dahil may ginagawa kaming mali. Dahil wala. Pero may mga sitwasyong hindi kailangang mali para maging komplikado. Maaga akong nagising kinabukasan. Hindi dahil kumpleto ang tulog ko. Kundi dahil matagal na akong hindi natutulog nang maayos. Tahimik ang penthouse. Naririnig ko ang mahinang tunog ng espresso machine mula sa kitchen. Pagbaba ko, naroon na si Helena. Naka-puting blouse, maayos ang buhok, hawak ang tablet habang umiinom ng kape. Parang larawan ng isang babaeng walang iniisip. At iyon mismo ang na
Last Updated : 2026-04-20 Read more