LYRA’S POVHabol ko ang hininga ko nang sa wakas ay humiwalay siya. Ramdam ko ang pamamanhid ng labi ko at ang mabilis na tibok ng puso ko na parang gustong kumawala sa ribcage ko. Nanatili akong nakakulong sa kaniya, ang dalawang kamay niya ay nakatukod pa rin sa counter sa magkabilang gilid ko.Tiningnan ko siya. Ang gulo na ng buhok niya, at ang mga mata niyang kanina ay puno ng galit, ngayon ay tila may kung anong apoy na hindi ko maipaliwanag. Sa kabila ng lahat, hindi ko maikakailang napakagwapo niya sa ganitong kalapit. Ang talas ng panga niya, ang ayos ng kaniyang polo ay ganoon pa rin, bahagyang nakabukas—lahat iyon ay nagpapaalala sa akin na hindi na siya ang batang lalaking kalaro ko noon.Pero hindi ko kaya. Hindi ko kayang ituloy ’to.“Caden… stop. Please,” mahina kong sabi, halos pabulong na lang dahil sa pagod.Pumikit ako nang mariin. Sa isip ko, bumabalik ang imahe niya noong bata kami—noong pinupunasan ko ang noo niya dahil sa lagnat. Paano kami napunta rito? Paano
Last Updated : 2026-05-07 Read more