Se connecterOne desperate decision changes everything. Lyra Thorne only wanted enough money to finish college. When every job ends in rejection, she accepts a mysterious offer from a powerful billionaire who demands only one thing — absolute anonymity. No names. No lights. No emotions.
Voir plusLYRAʼS POV
Nakatayo ako sa harap ng dambuhalang pinto ng penthouse sa Aristhos Tower. Nanginginig ang mga kamay ko habang hawak ko ang maliit na itim na card na may gintong numero. Sa labas, ramdam ko pa rin ang lamig ng ulan na tumatagos sa suot kong manipis na damit, pero mas matindi ang lamig na nagmumula sa loob ng elevator na ito. “One night, Lyra. No names. No faces. No lights. Pagkatapos nito, bayad na ang tuition mo. Makakapagtapos ka na.” Iyon ang boses ng agent na paulit-ulit na tumatakbo sa isip ko. Kinse mil. Iyon lang ang kailangan ko para hindi ako ma-kick out sa university. Iyon lang ang presyo para hindi masayang ang tatlong taon kong paghihirap bilang working student na halos wala nang itulog mapunuan lang ang mga requirements. Bumukas ang pinto. Isang lalaking naka-suit ang sumalubong sa akin. Clinical ang tingin niya, tila hindi tao ang nakikita niya kundi isang gamit na kailangang i-deliver sa kaniyang amo. Nakakainsulto pero ginusto ko `to. Ito ang paraan ko, ito na lang ang choice mayroon ako, para makapagtapos sa pag-aaral. “Miss Thorne,” tawag niya sa akin. “Before you enter, I will repeat the rules. No talking. Do not attempt to turn on the lights. And most importantly, do not try to see his face. If you break any of these, the contract is void. You leave with nothing.” Tumango ako. Tuyot ang lalamunan ko para sumagot. Pinagbuksan niya ako ng pinto at pumasok ako sa isang kwartong tila nilamon na ng kadiliman. Pagpasok ko, agad na bumulaga sa akin ang amoy ng kwarto. Amoy mamahaling wood, alak, at... ulan. Nakita ko rin ang paalala ng sekretarya niya, suotin ang sleepwear na nakasampay at ang body spray na nakapatong sa lamesa. Ginawa ko iyon sa madilim na kwarto. Pero biglang tumigil ang mundo ko... Ang amoy na iyon. Hindi ako pwedeng magkamali. Iyon ang amoy na laging nakakabit sa mga jacket na inuuwi ng lalaking iyon noon bago ang aksidente labingdalawang taon na ang nakalipas. Iyon ang amoy na pilit kong kinalilimutan gabi-gabi habang binabangungot ako sa pagkamatay ng mga magulang namin. “Come closer,” utos ng isang boses mula sa dilim. Bahagya pa akong napaigtad dahil biglaan ang pagsalita niya. Ang boses niya... ay malalim. Sobrang lalim at puno ng awtoridad. Bigla kong naramdaman ang panginginig ng mga tuhod ko. Imposible. Maraming lalaki ang pwedeng gumamit ng ganoong pabango. Maraming lalaki ang may malalim na boses. Pero bakit tila sumisigaw ang buong katawan ko na tumakbo na palayo? Ano ba dapat ang gawin ko? Hindi na ako nakagalaw hanggang maramdaman ko ang paglapit niya sa akin. Hindi ko siya nakikita pero ramdam ko ang init ng kaniyang malaking katawan na tila bumabalot sa akin sa gitna ng dilim. Mas lalong tumindi ang amoy ng bergamot at ng ulan. Naramdaman ko ang kaniyang kamay sa panga ko. Mariin ang pagkakahawak niya, tila inaangkin ang bawat hibla ng pagkatao ko. Itiningala niya ang aking mukha. Sa sobrang lapit niya, nararamdaman ko ang mainit niyang hininga sa labi ko. Dahilan para magwala ang puso ko. “Youʼre trembling,” bulong niya sa wikang Ingles. May halong pang-uuyam ang tono niya. “Are you afraid? Or... are you just eager to get paid?” Napapikit ako nang mariin. Aaminin kong ang sakit ng bawat salita niya. Hindi kayang tanggapin ng isang babaeng desente na ngayon ay nandirito, ipagbibili ang katawan para sa pera. “Kailangan ko ang pera,” sagot ko sa maliit na boses. Nilakasan ang loob para lang sabihin na pera ang kailangan ko kaya ako nandirito... kahit labag man sa loob ko. Inaasahan ko na itataboy niya ako dahil nagsalita ako, pero hindi. Mas lalo niyang hinigpitan ang hawak sa panga ko, sapat na para maramdaman ko ang kaniyang panggigigil. “At least you’re honest about your greed,” he whispered darkly. Nabigla ako nang bigla niya akong tinulak upang mapahiga. Napapikit ako nang maramdaman ko ang labi niyang dumikit sa balat ng aking leeg. Alam ko. Ramdam ko kung para saan ang body spray. Tuwang-tuwa siya sa pabangong suot ko ngayon. Ilang beses niyang inamoy ang aking leeg at hinalikan, ramdam ko ang gigil pero pinipigilan niya iyon. Hindi ko alam ang dahilan kung bakit ganito siya katuwang-tuwa. Ang kailangan ko lang naman ay pera... hindi ang istorya niya. Napadaing ako nang mahina nang maramdaman kong kinagat niya ang leeg ko. Ramdam ko ang matigas niyang katawan na nakapatong sa katawan ko. Unti-onti ring bumaba ang halik niya papunta sa dibdib ko. Habang bumababa ang kaniyang mga halik, unti-unting nanlalamig ang aking mga kamay. Bawat dampi ng kaniyang labi ay tila isang tatak na nagsasabing hindi na ako sa akin. Sa bawat kagat at mariing haplos niya, mas lalong sumisidhi ang bagong pakiramdam na ngayon ko lang naramdaman. Nararamdaman ko ang kaniyang mga daliri na unti-unting tinatanggal ang manipis na tela ng suot kong sleepwear. Sa gitna ng kadiliman, tanging ang tunog ng aming paghinga at ang mabilis na kabog ng aking dibdib ang naririnig ko. Ito na ba talaga ang katapusan ng dangal ko? Isang gabi para sa pangarap. Isang gabi para sa kinabukasan na tila inaagaw sa akin ng tadhana. Naramdaman ko ang kaniyang mga labi na muling bumalik sa aking tainga. “Donʼt close your eyes,” bulong niya, ang kaniyang boses ay tila isang sumpa. “I want you to feel every second of your choice.” Napahigpit ang hawak ko sa kaniyang balikat. Ang kaniyang balat ay kasing-init ng apoy, kabaligtaran ng malamig na desisyon na ginawa ko. Handa na ba talaga akong ibigay ang buong pagkatao ko sa lalaking ito? Isang anino sa dilim na tanging boses at amoy lang ang pamilyar sa akin? Isang estranghero na tila kilala ang bawat kahinaan ko, habang ako ay nananatiling bulag sa kaniyang tunay na mukha? Sa huling sandali bago ako tuluyang lamunin ng kaniyang pagnanasa, isang tanong ang pilit na sumasagi sa isip ko. Paano kung ang amoy na ito... at ang boses na ito... ay hindi lang isang nagkataong pagkakahawig? Ngunit huli na ang lahat. Sa ilalim ng kaniyang presensya, unti-unting nilamon ng dilim ang natitirang pag-asa ko. At hindi ko pa alam… Ang lalaking hahawak sa buhay ko ngayong gabi ay ang parehong lalaking sinumpa kong kamuhian habang buhay.LYRA’S POVHabol ko ang hininga ko nang sa wakas ay humiwalay siya. Ramdam ko ang pamamanhid ng labi ko at ang mabilis na tibok ng puso ko na parang gustong kumawala sa ribcage ko. Nanatili akong nakakulong sa kaniya, ang dalawang kamay niya ay nakatukod pa rin sa counter sa magkabilang gilid ko.Tiningnan ko siya. Ang gulo na ng buhok niya, at ang mga mata niyang kanina ay puno ng galit, ngayon ay tila may kung anong apoy na hindi ko maipaliwanag. Sa kabila ng lahat, hindi ko maikakailang napakagwapo niya sa ganitong kalapit. Ang talas ng panga niya, ang ayos ng kaniyang polo ay ganoon pa rin, bahagyang nakabukas—lahat iyon ay nagpapaalala sa akin na hindi na siya ang batang lalaking kalaro ko noon.Pero hindi ko kaya. Hindi ko kayang ituloy ’to.“Caden… stop. Please,” mahina kong sabi, halos pabulong na lang dahil sa pagod.Pumikit ako nang mariin. Sa isip ko, bumabalik ang imahe niya noong bata kami—noong pinupunasan ko ang noo niya dahil sa lagnat. Paano kami napunta rito? Paano
LYRA’S POVMinsan, kapag pumipikit ako sa gitna ng katahimikan ng penthouse, hindi ang mukha ni Caden ngayon ang nakikita ko. Hindi ang madilim niyang mga mata o ang malalamig niyang mga salita.Bumabalik ako sa isang hapon, kung saan ilang taon na ang nakalipas. Doon, hindi siya si Caden Aristhos na kinatatakutan ng lahat. Siya ang tinuring kong kapatid na mapagkakatiwalaan ko sa lahat. “Dahan-dahan, Lyra! Mahuhulog ka!”Sampung taon lang ako noon. Suot ko ang paborito kong puting bistida na may mga mantsa na ng damo dahil sa paglalaro sa hardin ng mansyon nina Caden. Ang tatay ko ang driver ng pamilya nila, kaya doon na ako lumaki sa lilim ng mga dambuhalang puno ng mangga sa likod ng kanilang bahay.“Kuya, tignan mo! Ang taas ko na!” sigaw ko habang nakatayo sa sanga ng puno.Nakatingala siya sa akin. Labimpitong taon na siya noon—matangkad, payat, at laging may hawak na libro. Pero kahit mukha siyang seryosong matanda, sa akin lang siya ngumingiti nang totoo.“Bumaba ka na riyan,
LYRAʼS POVDahil sa sobrang hiya, agad kong hinawakan ang braso ni Caden at pilit siyang hinila patayo. Gusto ko siyang ilayo sa mga mapanuring mata ng mga classmate ko na halos hindi na humihinga sa panonood sa amin.“Tara na sa labas, please,” bulong ko, ramdam ang panginginig ng boses ko.Pero parang poste ang hinila ko. Hindi man lang siya natinag. Sa halip, mas lalo siyang tumindig nang tuwid, tinitingnan ang kamay kong nakakapit sa kaniya na parang isang maduming bagay. Ayaw niya ng hinahawakan siya nang basta-basta, lalo na ang hinahatak siya.“Don’t pull me, Lyra,” banta niya, mababa ang boses pero punong-puno ng awtoridad.“Nakakahiya, Caden! Umalis na tayo!” giit ko, halos magmakaawa na ang mga mata ko.“I said, donʼt pull me,” ulit niya.Sa isang iglap, siya ang humawak sa pulsuhan ko. Mahigpit pero hindi masakit. Sa halip na ako ang humila, siya ang mabilis na naglakad palabas ng classroom, kaladkad ako na parang isang bata. Wala nang nagawa si Prof kundi sundan kami ng ti
LYRAʼS POVInayos ko ang suot kong jacket, pilit na tinatago ang bakas ng makeup sa leeg ko na hindi ko lubos na naalis kanina sa banyo ng isang fast food chain. Pagod na pagod ako. Hindi lang dahil sa tatlong oras na pag-aayos o sa bigat ng sapphire na isinampay sa akin ni Caden, kundi dahil sa pagkapahiya.Sloane Van Doren. Fiancee pala. Ang galing talaga ni Caden—ginawa akong kapatid sa harap ng camera, ginawang aso sa harap na bitter na fiancee niya, at ginawang dekorasyon sa harap ng mga elite.Imbes na bumalik sa penthouse, dumiretso ako sa bahay nina Elias. Malayo ito sa marangyang mundo ni Caden. Maingay, amoy kape, at puno ng nagkalat na papel. Dito ako humihinga. Mas komportable ako.“Hoy, Lyra! Buhay ka pa pala?” bungad sa akin ni Elias pagpasok ko sa sala nila.Nakatambay ang iba naming classmates—sina Jace at Marga. May mga laptop na nakabukas, empty cups ng instant noodles, at ang pamilyar na ingay ng nagtatalong mga estudyante tungkol sa RRL ng research namin.“Late ka












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.