Halos alas dose na ng hating-gabi at kakarating lang ni Cris sa lobby ng condo mula sa hotel. Napahinto si Cris sa paglalakad nang mapansin ang pamilyar na pigura na nagtatago sa likod ng mataas na indoor plant.“Grace? Ano ginagawa mo dito?”Nagtatago pa ng mabuti si Grace sa likod ng mataas na tanim, pero huli na. Kitang-kita niya itong nagtatagong nagmamasid sa lobby sa loob ng condominium. Napabuntong-hininga si Cris at hinarap si Grace.“So confirmed nga na naglilive-in kayo ni Sol.” bungad ni Grace.“Ano naman ang pakialam mo. Teka lang… bakit ka nandito? Ano ginagawa mo dito. Are you really stalking us?”“No way… bakit ko naman gagawin yun, may kaibigan ako dito, dadalawin ko noh. Kaya tumabi ka nga, at papasok na ako sa elevator.”Biglang hinila siya ni Cris sa kamay.“Aray… Ano ba, bitiwan mo nga ako.”“Sino lolokohin mo, sa ganitong oras, hating gabi… dadalaw ka? Huwag mo akong lokohin, kilala kita.”Hindi sumagot si Grace. Tiningnan siya ni Cris ng derecho.“Hindi ka pa ba
Read more