“Ate ganda… ang aga mo ah… first day jitters ba ‘yan?” Napalingon si Sol at nakita ang kambal na sina Bella at Anton na palabas ng karinderya, parehong naka-uniform at papasok na sa eskwela. Ngumiti si Bella at kumaway habang si Anton ay bahagyang tumango bilang bati. “First day ko eh… kailangan ko magpabibo,” sagot ni Sol, pilit kalmado kahit may halong kaba ang boses niya. “Good luck, Ate Sol… Fighting!” sabi ni Bella na may genuine na ngiti at itinaas ang braso, cheering her, saka siya hinila ni Anton. “Alis na kami, ate… tayo na, Bel, late na tayo… ingat ka, ate,” dagdag ni Anton. “Ingat din kayo,” sagot ni Sol habang pinapanood silang papalayo. Pagbalik ng tingin niya sa loob, agad bumukas ang pinto ng kusina at lumabas si Cris, may hawak na sandok at halatang abala na sa pagluluto. Pagkakita sa kanya, agad nagsalubong ang kilay nito habang sinuri siya mula ulo hanggang paa. “Magtatrabaho ka dito na ganyan ang suot mo?” “Ano ang masama sa suot ko?” balik ni Sol, taas ang
Last Updated : 2026-04-15 Read more