Chapter 91Vanruth POV“Dad, nakapaghain na si Beatriz Alvaro ng demanda sa piskal.”Napatingin ako kay Gabriel na hawak ang mga dokumento.“Nakahanda na ba ang lahat?”“Opo, Dad. Handa na ang counter-affidavit.”Tumango ako.“Sige. Pupunta tayo.”Bago kami tuluyang umalis, nailingon ko si Claudia habang nakikipaglaro kay Inigo.Tahimik lang ang asawa ko.Walang takot sa mga mata niya.Walang pangamba.At tama naman iyon.Kahit nauna pang maghain ng kaso si Bea sa amin, hindi ibig sabihin na panalo na siya.Hindi porket siya ang unang nag-file, siya na ang biktima.Hindi ganoon ang batas.Kung tutuusin, malinaw sa lahat kung sino ang unang naghawak ng baril.At hindi iyon nanggaling sa aming panig.Siya mismo ang naunang humawak.Siya ang unang umatake.Siya rin ang unang nagbanta.Kahit napatahimik niya ang lahat ng mga tao sa party, alam kong may maglalakas-loob pa ring magsiwalat ng katotohanan.May mga taong nakakita.May mga taong nakarinig.At higit sa lahat, may ebidensyang hin
Leer más