LOGINSa gitna ng tirik na araw at putikan ng Divisoria, tanging galit ang nagpapatakbo sa pagkatao ni Claudia Diaz. Limang taon na ang nakalipas nang itapon siya ng pamilya Montefalco na parang basura—matapos siyang pagtaksilan ng asawang si Miguel, saktan, at pagbintangan ng nakaw na hindi niya ginawa. Namuhay siya sa dilim, nagtatago at naghihintay ng pagkakataong makabangon. Ang pagkakataong iyon ay dumating sa katauhan ni Vanruth Amores, isang makapangyarihang bilyonaryo, dating huwes, at kilala bilang "Ruthless CEO." Sa likod ng isang pormal na interview sa trabaho, isang mapangahas na alok ang inilatag ni Vanruth: Isang kontrata ng kasal. Ngunit hindi alam ni Claudia, ang kanilang pagtatagpo ay hindi isang aksidente. Si Vanruth ay may lihim na koneksyon sa nakaraan ni Claudia, at gagamitin niya ang lahat ng kanyang yaman at kapangyarihan upang maging sandata ni Claudia sa paghihiganti. Sa mundong puno ng mapanuring mata, kailangang patunayan ni Claudia na hindi na siya ang biktima noon. Handa na siyang humarap sa korte ng publiko at sabihing: “Judge me now.”
View MoreChapter 1
Claudia Diaz POV
Hinahabol ko ang hininga ko. Pagod na pagod na ako. Sa bawat hakbang, nararamdaman ko ang bigat ng dalawang malalaking plastic bag na bitbit ko.
Tirik na tirik ang araw dito sa Divisoria, pero mas matindi ang init na nagmumula sa semento at sa dikit-dikit na katawan ng mga taong naghahanap din ng mura. Maliliit na hakbang lamang ang nagagawa ko para makapunta sa patutunguhan. Wala namang ibang magawa dahil gusto rin nilang mabuhay, kaya naisip kong konting tiis pa.
Nakakainis, biglang bumuhos ang ulan. Sa isang iglap, ang kalsada ay nagiging putikan, napakabaho na rin ang amoy nito. Ramdam ko ang mga talsik ng maduming tubig sa pantalon ko, pero wala akong pakialam. Mas masangsang pa ang amoy ng kanal dito kaysa sa sarili kong pawis.
Napapapikit ako. Bakit ako nandito?
Limang taon na ang nakalipas... "Happy Anniversary, Miguel," bulong ko sa sarili ko habang maingat na binubuksan ang pinto ng CEO’s Office. May dala akong paborito niyang pagkain, tamang-tama at mainit pa ito. Siguradong magugustuhan niya ito.
Gusto ko siyang isurpresa dahil nitong mga nakaraang buwan, ramdam ko ang panlalamig niya. Akala ko, dahil lang sa stress sa kumpanya ng mga Montefalco. Akala ko, kailangan lang niya ng suporta ko. Pero tumitigil ang mundo ko sa naririnig ko. Mula sa bahagyang nakabukas na pinto, umaabot sa pandinig ko ang malalakas na halinghing. Hindi lang 'yun basta tunog ng pagod—tunog 'yun ng pagnanasa. Maririnig mong sarap na sarap ang isang babae. Dahan-dahan kong itinutulak ang pinto. Ang bawat sentimetro ng pag-awang nito ay parang kutsilyong sumasaksak sa dibdib ko. At doon, sa mismong mesa kung saan kami madalas mag-usap tungkol sa aming pangarap, nakikita ko ang asawa ko. Nakaibabaw siya sa isang babaeng hindi ko kilala. Ang mga kamay ni Miguel—ang mga kamay na humahaplos sa akin kagabi lang—ay mahigpit na nakakapit sa baywang ng babae. "Miguel..." halos walang boses na tawag ko. Humihinto siya. Lumingon siya sa akin, pawis na pawis at gulo-gulo ang buhok. Pero sa halip na takot at hiya sa kataksilan niya, iritasyon ang nakikita ko sa mga mata niya. "Anong ginagawa mo rito, Claudia? Hindi ba’t sinabi ko sa iyo na may meeting ako? Bakit ka andito?" malamig na tanong niya, habang ang babae ay dahan-dahang nag-aayos ng damit na parang wala lang. "Miguel. anniversary natin..." Ang boses ko ay nanginginig na. Ang dala kong pagkain ay nahuhulog sa sahig. Pero para sa kanya, ako ay walang halaga at pang-abala lamang.
"Sino siya, Miguel? Bakit? Ano ang ibig sabihin nito?”
Tumatawa ang babae. Isang mapait at mapang-asar na tawa.
"Poor Claudia. Did you think na sapat na ang pagiging 'mabuting asawa' para manatili sa iyo si Miguel? You’re a bore. You can't even satisfy a man. Hindi ka nababagay sa mundo namin." pangiinsulto pa nito.
"Umuwi ka na, Claudia. Mag-usap tayo mamaya." utos ni Miguel.
Hindi niya man lang ako nilalapitan para patahanin at sabihing nagkamali siya.
Tumalikod ako at tumatakbo papalabas ng opisina. Nasusuka ako at nandidiri. Ang bawat halik niya sa akin, ang bawat "I love you" niya, lahat 'yun ay kasinungalingan, Naghihinagpis ako.
Pagdating ko sa mansyon, hindi pa ako nakakaakyat sa kuwarto nang harangin ako ni Senyora Ingrid. Nakapamewang siya, ang kilay ay nakataas sa akin. "Saan ka pupunta? Mag-iimpake?" tanong niya. May hawak siyang mga dokumento at ibinato sa akin. Kumalat iyon sa sahig. Wala akong naiintindihan sa mga tinutukoy niya." Hindi ka na makakatungtong sa aming pamamahay.
Masama kang babae, isa kang linta. Simula ngayong araw, wala ka nang puwang sa pamilyang ito. Magnanakaw ka, Claudia. Nilimas mo ang pondo ng kumpanya."
"Ano? Wala akong kinalaman diyan! Hindi totoo iyan," sigaw ko, pero bago pa ako makalapit at makalaban, dalawang armadong lalaki ang humahawak sa mga braso ko. "Kaladkarin niyo siya sa bodega!" utos ni Senyora.
Sinusubukan kong manlaban, pero isang malakas na sampal ang nagpapatigil sa akin. Dumidilim ang paningin ko. Ang huling nakikita ko ay ang malamig na mukha ni Miguel na nakatayo sa pinto, pinapanood niya lang kung paano ako hamakin at itapon na parang basura.
“I can make it all go away Claudia.” habang bumubulong sa tenga ko ang hayop na si Senyora Ingrid.
Gusto niyang umalis ako sa aming bayan sa Luisiana, iwan ang lahat at huwag ng bumalik pa.
“Kapag hindi mo ito ginawa, ipapakulong kita at pati ang pamilya ko ay idadamay ko. Lahat kayo! Pare-pareho kayong mabubulok sa kulungan. Marami akong ebidensiya laban sa iyo. Claudia.” ang sinabi ni Senyora Ingrid.
Wala akong nagawa. Wala akong ibang opsiyon kundi ang tumakas. Magang-maga pa ang mukha ko dulot ng paulit-ulit na pambubugbog nila sa akin. Dala-dala ko ang isang maleta na in-empake nila. Nagbigay ng kaunting awa si Miguel para linisin ang kanyang kaunting konsiyensang natitira. Nagsilid siya ng kaunting halaga sa bulsa ng damit na suot-suot ko, para makaalis na ako sa harap niya. Hindi ko na tiningnan iyon, kahit hinang-hina pa. Binuhat ko ang mga paa ko at nagsimulang maglakad papalayo sa mansiyon. Nilingon ko ang tahanang minsan naging bahagi ng buhay ko. Baon-baon ko ang napakalaking galit sa puso ko. Nangangatal ako at tahimik na nagbanta sa isip ko.
“May araw din kayong lahat.”
“ Isinusumpa ko mula sa araw na ito, darating ang panahon na luluhod at iiyak ng dugo at magmamakaawa kayo sa akin.”
“At ikaw Miguel, ipaparanas ko ang pait at pagdurusa, na mas gugustuhin mo pang mamatay na lang.”
Natuyo na ang luha sa mga mata ko, dahil sa kakaiyak naubos na ito.
Sumakay na ako sa bus. Walang tiyak na patutunguhan. Basta malayo sa pamilyang Montefalco na nagdusta sa buo kong pagkatao.
Chapter 103Claudia's POVDumating din si Glenn Ferrer kasama ang kanyang pamilya. Agad siyang lumapit sa amin ni Van at nagsimulang magkuwento tungkol sa una naming pagkikita, noong nag-a-apply pa lamang ako ng trabaho bilang assistant ni Van.“Grabe rin talaga itong si kumpareng Van! Pinahirapan pa niya si Claudia, eh, napili naman na siya talaga!” natatawang sabi ni Glenn.Napalingon ako kay Van na ngayon ay napapakamot na lamang ng ulo.“At hindi lang iyon,” patuloy pa ni Glenn. “May maitim pa lang siyang binabalak kay Clau!”Nagtawanan ang lahat.Samantalang ang asawa ko ay napailing na lamang, tila nagsisisi kung bakit niya pa inimbitahan ang kaibigan niyang ito.“The ruthless CEO of Amores Group of Companies, tamed by the alluring Claudia Diaz!” dagdag pa ni Glenn, na halatang tuwang-tuwa sa pang-aasar.Lalo kaming nagtawanan.Ang sarap lang alalahanin ng love story namin ni Van.Hindi ko talaga inaasahan na darating kami sa ganitong punto ng aming buhay. Boss ko siya noong una
Chapter 102 Claudia’s POVSa korte:“Beatriz Alvaro… GUILTY!”Malinaw na umalingawngaw sa buong courtroom ang salitang iyon, kasabay ng pagbagsak ng martilyo ng hukom. Pagkatapos basahin ang patong-patong na kaso ni Beatriz at maipahayag ang kaukulang hatol, nakahinga na kami nang maluwag.Sa wakas, natapos na rin ang mahabang paghihintay.Nahatulan na siya, at ngayon ay pagbabayaran na niya ang lahat ng mga kasalanan niya.Tahimik akong nakaupo habang pinagmamasdan siya. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. May ginhawa, may lungkot, at may kaunting awa para sa isang babaeng minsan ay maaaring nagkaroon din ng pangarap na maging masaya.Kahit hindi ko gustong mangyari sa kanya ang mga ito, hindi ko rin naman maaaring ipagkaila ang mga kasalanang ginawa niya. Kung sana hindi niya ginawa ang mga ginawa niya, hindi sana hahantong sa ganito ang buhay niya.Sana, maluwag siyang nagparaya at naging isang huwarang ina.Sana, pinili niyang maging masaya sa kung ano ang mayroon siya sa
Chapter 101Claudia's POVBalanse ang buhay.Hindi ka laging panalo.May talo ka rin.Pero hindi naman nangangahulugang dahil natalo ka ngayon ay wala ka nang pag-asang manalo bukas.Minsan, ang mga pagkatalo ang nagtuturo sa atin kung paano muling lumaban at magpatuloy. Ang mga sugat na natamo natin ang nagpapaalala kung gaano tayo katatag. At ang mga taong iniwan tayo ang nagtuturo kung sino talaga ang karapat-dapat manatili sa ating buhay.Sa mga natutuhan mo, unti-unting nabubuo ang iyong pagkatao.At habang iniisip ko iyon, bigla kong naalala ang naging buhay ko noon kasama si Miguel Montefalco.Sa una, masaya kami. Ipinaglalaban namin ang aming pagmamahalan na para bang wala nang ibang mahalaga sa mundo. Naniniwala akong sapat na ang pag-ibig para malampasan namin ang lahat ng pagsubok.Pero dumating ang panahong nagkaroon siya ng ibang option.At kalaunan, iniwan din niya ako.Hindi ko makakalimutan ang sakit na naramdaman ko noon. Ang pakiramdam na kahit ibinigay mo ang lahat,
Chapter 100Claudia’s POVAnibersaryo namin ni Vanruth.Gusto niya ng isang napakalaking selebrasyon. Isang pagdiriwang na hindi lamang para sa aming dalawa, kundi para rin sa lahat ng taong naging bahagi ng aming buhay at nanatili sa aming tabi sa kabila ng lahat ng pagsubok.Maraming nangyari sa amin.Pati na rin sa aming pamilya.Mga problema sa negosyo. Mga taong nakapaligid sa amin na hindi namin alam kung tunay bang kaibigan o may ibang motibo. Mga nanakit at nagtangkang kumitil sa aming buhay, at marami pang iba.Kung tutuusin, napakarami na naming pinagdaanan. May mga pagkakataong pakiramdam ko ay hindi na namin kayang bumangon sa dami ng problemang dumarating. May mga gabing hindi ko na alam kung paano haharapin ang panibagong araw. Mga sandaling gusto ko na lamang mapagod, umiyak, at kalimutan muna ang lahat.Pero kailanman, hindi ako binigo ng asawa ko.Nanatili siya sa tabi ko.Hindi siya kailanman nagtaksil. Minahal niya ako at hindi niya ako pinilit sa isang bagay na hin
Chapter 5Claudia Diaz POVNagpakilala itong si Elaine sa mga staff. Ibine-landra niya ang katawan niya sa Amores Building. Siya daw ang fiancé ni Van at malapit na silang magpakasal. Ang yabang niya. Napakahaliparot naman.Hindi pa rin ako nagpakilalang ako ang asawa ni Van Amores. Ang akala n
Chapter 4Claudia Diaz POVTinanggap ko ang offer. Hindi ko alam kung bakit, pero pinirmahan ko. Baka nga si Van Amores ang maging daan para makabalik ako sa pamilya ko na matagal ko nang inaasam. Ang makaganti sa mga kasumpa-sumpang mga taong humamak sa akin.Pinaayos na ni Van ang lahat. Nakali
Chapter3Claudia Diaz POVDumating si Mr. Amores sa kanyang opisina. Kasunod niya ang 6 na executive. Tumayo ako nang tuwid at taas noong bumati sa kanya.Huminto siya at tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Walang ekspresyon ang mukha niya habang ginagawa iyon. Pagkatapos ay pumasok na. Halo
Chapter 2Claudia Diaz POVSa Maynila ako napadpad. Kailangan kong lumayo sa mga Montefalco. Sa tuwing naalala ko ang pangalan nila, nag-aapoy ako sa galit.Nagbigay ng kondisyon si Senyora Ingrid, “Huwag na huwag na raw akong lalapit pa sa kanila kung ayaw kong makulong.” Kalimutan ko na si Migu












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviews