Chapter 1Claudia Diaz POVHinahabol ko ang hininga ko. Pagod na pagod na ako. Sa bawat hakbang, nararamdaman ko ang bigat ng dalawang malalaking plastic bag na bitbit ko.Tirik na tirik ang araw dito sa Divisoria, pero mas matindi ang init na nagmumula sa semento at sa dikit-dikit na katawan ng mga taong naghahanap din ng mura. Maliliit na hakbang lamang ang nagagawa ko para makapunta sa patutunguhan. Wala namang ibang magawa dahil gusto rin nilang mabuhay, kaya naisip kong konting tiis pa.Nakakainis, biglang bumuhos ang ulan. Sa isang iglap, ang kalsada ay nagiging putikan, napakabaho na rin ang amoy nito. Ramdam ko ang mga talsik ng maduming tubig sa pantalon ko, pero wala akong pakialam. Mas masangsang pa ang amoy ng kanal dito kaysa sa sarili kong pawis. Napapapikit ako. Bakit ako nandito? Limang taon na ang nakalipas... "Happy Anniversary, Miguel," bulong ko sa sarili ko habang maingat na binubuksan ang pinto ng CEO’s Office. May dala akong paborito niyang pagkain, ta
Terakhir Diperbarui : 2026-04-15 Baca selengkapnya