Napapitlag si Jake at agad na napatingala nang marinig ang boses mula sa kaniyang likuran.Sa harapan niya ay isang dalagang nakasuot ng puting bestida.Maliit at maputi ang mukha nito, may mga matang malinaw at inosente, matangos na ilong, at mapupulang labi. Balanseng-balanseng ang pangangatawan nito, at ang makinis nitong balat ay lalong nagpaangat sa taglay nitong kagandahan. Para itong isang munting diwata na bigla na lang sumulpot sa harapan niya.Saglit na natigilan si Jake.“Grabe. May ganito palang kagandang babae sa mundo?” Bulong ng kaniyang isipan. Ngunit nang maalala niya kung ano ang pinapanood niya, dali-dali niyang isinara ang laptop.“Teka, sino ka? Bakit ka nakapasok rito” tanong niya, pilit na nagpapakalma.Ngumiti ang dalaga. “Well, I'm the princess in this house.”Napataas ang kilay ni Jake.“Kung gano'n, ako naman ang hari ng Pilipinas. Sa sobrang gulo ng Bansa, nag-iba na ng dynasty ang gobyerno natin.”“Ang yabang mo naman.” Bahagyang tumagilid ang ulo ng dala
Read more