Hindi naglaun, unti unti nang lumulubog ang araw sa kanluran, natanglawan ng ginintuang liwanag ang harding ilang oras pa lamang ang nakalilipas ay halos walang laman.Ngayon, napalilibutan na ito ng mga bulaklak na kanina lamang ay inilipat roon. Maayos na nakahanay ang mga ito sa magkabilang gilid ng daanan, habang ang ilan ay nakatanim sa malalaking paso sa ilalim ng mga punong nagbibigay-lilim sa hardin.Sa gitna ng lahat, nakatayo si Brielle habang hawak ang isang maliit na pandilig. May mga mantsa ng lupa ang kaniyang puting polo, at bahagyang nagulo ang buhok dahil sa maghapong pagtatanim. Halata rin sa mukha niya ang pagod, ngunit hindi iyon naging hadlang upang mapangiti siya habang pinagmamasdan ang mga bulaklak na sarili niyang itinanim.Lumingon siya kay Janella, na tahimik na nakatayo ilang hakbang ang layo.“Mrs. Sebastian, ano'ng masasabi mo sa mga itinanim ko?”Muling sinuri ng babae ang hardin bago ibinalik ang tingin sa asawa.“Mga bulaklak.”Natigilan si Brielle, un
더 보기