Nakasunod na lang din ang tingin ni Drake sa palabas na pigura ng kaibigan kasama si Aliah.Napapailing na may ngiti sa mga labing nagustuhan ang nakitang may kasama ng babae ang kaibigan na sa unang pagkakataon ay nalink na ito sa babae.“I knew it,’” hindi niya mapigilang ibulong kasunod ng pagkuha niya ng kanyang cellphone at may tinawagan. “Hello, tita…”“Drake, hijo. Napatawag ka?”Si Ivana, ang mama ni Vladimir ang tinawagan ni Drake.“May maganda akong balita sa inyo, tita. Inlove na si Vladimir.”“Totoo? Hindi ka nagsisinungaling?” wala man sa harap ni Drake ang mama ni Vladimir ay alam niyang nakangiti ito at tuwang tuwa sa ibinalita niya.“Yes, tita. Hindi ako nagbibiro. Magkasama sila ngayon na umalis dito sa bar kung saan kami nag iinuman.”“That’s good. That’s good. And thank you, hijo. Sinabi na nga niya din sa amin na may napupusuan na siya. Ang akala namin ay nagbibiro lang siya pero sa sinabi mo ngayon ay naniniwala na ako na hindi lang siya nagdadahilan sa amin para
Last Updated : 2026-04-30 Read more