"I want mommy to live here." Sabay kaming napatitig sa anak namin ng muli itong magsalita at dahil na rin sa mga sinabi nito."But mommy has her own life outside, baby." Ako ang sumagot dahil hindi siya agad nagsalita para sagutin ang gusto ng anak namin. "And remember, ninong Kent is waiting for her." Saka ko naalala si Kent na malayang ipinagkatiwala siya sa pangangalaga ko.Pero sa pagkaalala ko sa bagay na iyon ay may kung anong bahagi ng pagkatao ko ang biglang nakaramdam ng kakaiba. Hindi ko lang iyon mapangalanan sa ngayon."I don't like ninong Kent." Kuway sabi nito na ikinatigil ko. Dati rati na sa tatlo kong kaibigan ay kay Kent ito malapit dahil palagi itong bumibisita at nakikipaglaro sa kanya."Okay, okay. Fine. We will ask mommy about it. Hmmm. But for now, Mommy need to go home to say goodbye to your grandfather." Pagpapaliwanag ko na lang saka ko siya binalingan. "Am I right, Ely?""Huh! Y-yes." Paestamer na sagot niya."Yehey. I miss mommy so much." Kagalakan ang maki
Baca selengkapnya