“Vladimir! Ano ang ginagawa mo?” muli ay tanong ng bagong dating.Lumapit ito sa kanila.“Vladimir, bata ka oo. Sino ang nagbigay sa iyo ng pahintulot na suriin ang mga pasyente ko habang wala ako?” galit na tanong ng doktora sa lalaki, kaya mas lalong nalito si Aliah.Hanggang sa balingan na siya ng doktora.“Binibini, pagpasensyahan mo na ang anak ko. Pumunta lang ako sa banyo at pinakiusapan ko siyang tignan muna ang opisina ko habang wala ako pero hindi ko akalain na susuriin ka niya mismo.” paghingi ng paumanhin ng doktora sa kanya. "Hindi kasama ang diagnosis niya ngayon, hayaan mong i-diagnose kita ulit!""?!" wala na halos alam sabihin si Aliah sa sinabi ng doktora. Natahimik siyang nakatingin na lang sa doktora.Ahh?! Anong nangyari?!Napasulyap naman si Vladimir sa kanya, at ang makitang gulat at pagtataka niyang ekspresyon, hindi nito mapigilan ang pagtaas ng sulok ng kanyang labi ng isang ngiti. Ngunit hindi nito iyon ipinahalata. Saka naman nito binalingan ang doktorang i
Last Updated : 2026-04-21 Read more