CARMELAPagdating namin sa bahay ni Fabio ay agad kong napansin kung gaano kalinis at kaayos ang loob nito. Mukhang alaga iyon sa linis lagi dahil makikita mo talaga.Hindi rin siya ganun kalaki pero mas malaki ito sa apartment ko. May maliit na sala, open kitchen, at mini bar sa isang sulok. "Ang linis naman dito," manghang sabi ni Kiara habang inililibot ang tingin sa loob."Kung ako 'to, isang linggo pa lang magulo na." Napatawa si Kent sa sinabi niya.“Tulog, ligo lang naman ginagawa nito.” Sabat naman ni Dave.Napapangiti lang ako sa kanila at natutuwa ako dahil may ganitong kaibigan si Fabio.Inilapag niya ang paper bag sa kitchen counter bago isa-isang inilabas ang mga bote ng beer.“Girls maupo na lang kayo kami ng bahalang mag-serve sa inyo.” Ngiting sabi ni Kent.Napatango ako at naroon yung tatlo inaayos ang mga binili nila, naupo na ako habang si Kiara ay panay tingin sa mga display.Dala-dala na nila ang mga beee at ice tube na nakalagay sa cooler at bahagyang nagulat pa
Read more