Jelly "Ate miss na po kita"Walang humpay na pag ngiti ang nagawa ko habang kausap si ysabelle, ang kapatid ko, sa aking cellphone "Miss na din kita hayaan mo kapag nakahanap ako ng tyempo sa boss ko ay kukuha agad ako ng bakasyon day ko at uuwi diyaan, magdadala ako ng mga paborito mong pagkain,""Talaga po ate? Kahit po Jollibee uuwian niyo ako?" Masaya niyang tanong sa kabilang linya Nakaupo lang ako sa may garden habang kausap siya pero hindi ko mapigilang mapaluha "Oo ysabelle, makakabili na din ako ng mga gamot mo pag-uwi diyan at gagala tayo" aniko habang naluluha, ayaw kong umatungaw habang kausap siya kaya agad kong iniba ang usapan, "Kamusta pala diyaan?" "Eto ate mabuti naman po, meron po silang tiyang dito at sila po ang nag-aalaga saakin," malambot ang boses ng kapatid ko "Sabihan mo pala si tiyang Betty na magpapadala ako bukas para pang allowance mo diyan....." Kalaunan ay natapos din ang usapan namin at saka ko lang napansin na palubog na ang araw, pagbalik ko s
最終更新日 : 2026-04-23 続きを読む