Jelly Katahimikan Iyon lamang ang naririnig ko habang nakaupo sa malambot na sofa ng opisina ni Anton, pinapanood ko ang pg ikot ng kamay ng orasan na nakakabit sa pader ng kaniyang opisina, tinignan ko ang aking kuko at ngumuso hanggang sa humikab ako Wala akong ginagawa Ang ine expect ko kanina ay madami agad akong gagawin kaya ako nakapang professional na ayos ngayon, pero narito lang ako sa sofa at nakaupo Kaunti nalang at pipikit na ang mata ko upang matulog dahil sa lamig ng aircon at sa komportableng malambot na sofa, humikab ako at napakamot sa ulo Bigla kong naalala si Aling Berta sa condo, kamusta na kaya siya? Sigurado akong pa chill chill nalang siya roon dahil hindi na umuuwi si Anton sa kaniyang condoPaano ko kaya sasabihin kay Aling Berta na asawa ko na ngayon si Anton, baka sabihin non ay ginayuma ko ang lalaki Sinulyapan ko si Anton na seryoso ang mukha habang nasa kaniyang lamesa, may salamin siyang suot ngayon na mas nagdagdag lang sa kakaibang karisma niya.
Last Updated : 2026-05-06 Read more