Jelly "Manang huwag niyo na pong tirahan si Anton, hindi po siya kakain dito," Nasa kusina ako at inihahanda ang gagawing dessert, kakatapos ko lang kumain kasi ng tanghalian at kasalukuyan naman ang mga maids "Mukhang tambak ulit si sir ng trabaho," ani manang Isay at tinulungan ako sa pag a-ayos ng mga gagamitin "Oo nga manang, busy na busy eh," Wala akong magawa dito sa bahay at dahil wala akong pera upang gumala ay naisipan ko nalang gumawa ng panghimagas, plano ko ding magtungo sa swimming pool maya maya upang lumangoy Oo, kakapalan ko na ang mukha ko at aastang may milyones dahil ilang buwan lang ang bibilangin ko at hindi na ako titira sa ganitong bahay kaya susulitin ko na, sayang din "Ganiyan po talaga si sir, simula ng mawala ang mga magulang niya ay naging workaholic na. Ayaw ngang umuwi hanggat hindi nito natatapos ang mga trabaho niya sa kompanya, kulang nalang ay doon matulog," natatawang kwento ni manang Napaisip naman ako bigla "Ibig sabihin po
Last Updated : 2026-05-01 Read more