Mabilis na lumipas ang mga araw, at maaga na umalis si Selene mula sa palasyo. Sabi ni Hudson ay ipahahatid ito pero tumanggi sa alok niya. Unang beses sa mahabang panahon na sobrang tahimik ng paligid. Sanay naman siya sa ganito. He likes this kind of silence but now it feels different. It feels empty. Nakaupo siya sa opisina niya, pero hindi siya makapag-focus. Paulit-ulit niyang binabasa ang parehong dokumento, pero hindi niya maintindihan. Nang hindi siya makatiis ay marahas niyang ibinagsak ang mga papel sa mesa at saka lumabas ng opisina. Huminto siya sa tapat ng hagdan. Sa ibaba ay madalas niyang marinig si Elara at Dwight na naglalaro, tumatawa, at minsan ay nag-aaway pa. Darating naman si Selene na hawak ang basahan o ang mop, sasawayin ang mga anak dahil magagalit daw siya. These past few days, lalo niyang napansin si Selene, kung gaano ito kaayos magtrabaho, kung gaano ito kaingat sa mga bata, kung paano nito hinahati ang sarili sa kusina, paglilinis, childcare, at
Zuletzt aktualisiert : 2026-04-29 Mehr lesen