“‘Yan ang plano mo? Ang sugurin si Bryes?” tanong ni Nimfa sa asawa habang naglalakad sila palabas ng presinto, kasama si Benjie at ang abogado nitong si Atty. Cueto.“Bakit hindi, wifey? Tinangka ka niyang gáhasain, sa tingin mo wala akong gagawin? Hindi ako natatakot sa maaaring mangyari sa akin. Natatakot ako para sa iyo,” nag-aalala nitong tugon na ikinailing niya.“Zachary knew he’d be released immediately,” natatawang sambit ng abogado nito. Natawa rin si Zachary. “Syempre naman, Atty. Cueto. Ikaw pa, magaling ka, eh.”Makalipas ang ilang oras matapos ma-detain ang dalawang loko, nakalabas na rin sila sa tulong ni Atty. Cueto. Nakapagpiyansa sila kaya pauwi na sila ngayon.“If you need me again, don't hesitate to call me, Zachary. I have to go.” At tinapik ng abogado ng asawa ang balikat nito.Nakangiti lamang na tumango si Zachary kaya tuluyan na itong lumisan. “Akala ko makukulong na talaga ako, buti't ilang oras lang,” wika ni Benjie, tila nabunutan ng malaking tinik sa pus
Read more