“Kung puwede lang sumama, sasama ako…” sambit ni Zachary habang nakayakap ito sa likuran niya.Kasalukuyan silang nakatayo sa harap ng malaking salamin, pinagmamasdan ang kanilang mga repleksyon. Malapad na ngumiti si Nimfa bago ipinulupot sa mga braso ni Zachary ang kaniyang mga braso.“Nag-aalala ka na naman sa ‘kin, eh. Ilang beses ko bang sasabihin sa ‘yo na okay lang ako? Alam kong hindi ako sasaktan ni Marcus, kaya magtiwala ka sa ‘kin,” aniya, pinapatatag ang loob nito.“Kahit na! Kahit nga ngayon na hindi maganda ang kondisyon niya, wala pa rin akong tiwala sa kaniya. Hindi mo alam ang kaya niyang gawin, baka—”“Shhh…” pigil niya kay Zachary bago ito hinarap. “Tama na ang pag-o-overthink. May punto ka naman, Zachary. Alam kong iniisip mo ‘ko, ‘yong kaligtasan ko. At hindi naman ako sumasama kay Marcus ng hindi handa. Lagi akong handa kaya ‘wag ka nang mag-alala, okay?” Bumuntong-hininga si Zachary bago ngumuso. “Dito ko naman uuwi, ‘di ba?” tanong nito.Bahagya siyang natawa.
Последнее обновление : 2026-05-27 Читайте больше