“Hala, Ma'am Nimfa, kayo na ni Sir. Zachary?” gulat na tanong ni Benjie. Nakangiting humiwalay si Nimfa kay Zachary bago nilingon ito. “Hindi.” “B-Bakit mo siya hinalikan?” gulat pa ring tanong ni Benjie. Natawa siya. “Wala lang, trip ko lang,” tugon niya sabay baling kay Zachary, pero halos mabuwal siya sa kinauupuan nang makitang nakaawang ito, tila hindi maproseso ang ginawa niya. “Ayos ka lang, Zachary?” tanong niya pa. “A-Ayos lang ako, N-Nim—” “Enough!” singhal ni Olivia na hindi niya namalayan na nakalapit na pala kay Zachary. “Hey, Zachary, I brought you cupcakes. Remember, paborito mo ‘to, ‘di ba?” Sabay abot nito ng hawak na kahon kay Zachary. Nang kukunin na nito iyon, bigla niya iyong hinaklit sa mga kamay ni Olivia. Nanlaki ang mga mata nito sa ginawa niya. “What's wrong with you?” inis nitong tanong bago binawi ang kahon sa kaniya. “Para kay Zachary ‘to, hindi para sa ‘yo! If you want, mag-bake ka ng sarili mo!” Sabay irap nito, halos mamuti na ang mga mata
最終更新日 : 2026-05-21 続きを読む