Tuliro si Nimfa habang nakatingin sa malayo, iniisip pa rin ang natanggap niyang sobre kahapon. Hindi mawaglit sa kaniyang isipan ang nilalaman noon, lalo pa't naging malapit na sa puso niya si Manang Ruby. Kasalukuyan siyang nasa parke, at dala-dala pa rin niya ang naturang papel. Paulit-ulit niyang binababasa iyon sa pag-aakalang nagkamali lang siya, pero kahit anong ulit niya, ganoon at ganoon pa rin ang nababasa niya.“Nimfa, what are you doing here alone?” biglang untag sa kaniya ng isang pamilyar na tinig. Nang lingunin niya ito, mabilis siyang napatayo nang mapagsino ito—ang Ninang Sylvia ni Marcus. Naka-activewear ito, halatang kakagaling lang sa mahabang pagtakbo dahil bahagya itong hinihingal at pinagpapawisan.“N-Ninang?”“Yes, it's me, Nimfa. Gusto kitang yakapin, but I can't, I'm sweaty,” wika nito bago tumawa.Napakamot sa batok si Nimfa. “Kaya po pala fit kayo kahit gan'yan po ang edad niyo, nage-ehersisyo po pala kayo.”“Ayokong mag-maintenance, kaya I'm doing this,”
Последнее обновление : 2026-05-22 Читайте больше