Kabanata 75Pagkababa ni Carmelle ng tawag ni Roco, agad niyang isinuksok sa bag ang mga gamit niya.Nagkalat ang mga dokumento, tablet, charger, at iba pang personal na gamit sa ibabaw ng mesa. Halos sabay-sabay niya iyong pinapasok sa mamahaling handbag na parang wala siyang pakialam kung magusot o magasgasan iyon.Saktong pagpasok ni Toni sa opisina ay iyon ang nadatnan niya.Napahinto siya sa pintuan."Boss!" halos napasigaw siya.Napatingin si Carmelle. "Ano?"Mabilis na lumapit si Toni at halos agawin ang bag mula sa kanya."Hay naku, ako na nga."Nagulat si Carmelle."Bakit?""Because you're abusing this poor bag."Napakunot-noo si Carmelle."Abusing?""Oo. Alam mo ba kung gaano kamahal 'to?"Kaswal na umiling si Carmelle."Hindi."Napapikit si Toni. Minsan talaga iniisip niya kung anong klaseng tao ang boss niya. May mamahaling bag pero parang eco bag kung tratuhin.Maingat niyang inayos ang laman nito. "Boss, delicate ang material nito. Kapag nagasgasan, bababa agad value."P
最終更新日 : 2026-06-07 続きを読む