Hindi sumagot si Mauren. Sa halip, hinaplos niya ang ulo ng batang babae at mahinahon niyang sinabi, "Natalia, huwag mong sasabihin kay Aleya na si auntie ang naghatid sa'yo ha?" Tumango naman si Natalia nang masigla, "Opo." anito.Noong huling pagkakataong niyakap ni Natalia si Mauren, biglang nagbago ang mukha ni Aleya, sumimangot ito at naging masungit sa kanya. Kaya't simula noon, may kaba na sa dibdib ni Natalia tuwing makikita niya si Aleya.Pakiramdam niya'y galit pa rin ito sa kanya hanggang ngayon. Sa tuwing nagtatama ang kanilang mga mata, tila palaging may nanlilisik na tingin itong si Aleya, na para bang laging sinasabi na huwag siyang lalapitan.Sa harap, sina Samuel, Monica at Aleya ay animo'y isang masayang pamilya, kompleto, magaan, at tila walang bahid ng lamat.Tinignan sila ni Mauren mula sa loob ng sasakyan. Sa kabila ng bahagyang hapdi sa dibdib, napabuntong hininga na lamang siya, ibinaba ang tingin at marahang iniwas ang mga mata, habang tahimik na binawi ang s
Last Updated : 2026-05-10 Read more