Si Natalia ay isang napakagandang bata. Ang kanyang mukha ay angkop lamang sa kanyang edad, matamis at kaakit-akit. Hindi siya pangit o kasuklam-suklam, sa katunayan, lagi siyang pinupuri sa kanyang kagandahan. Likas na nakaka-engganyo ang kanyang itsura, na nag-uudyok sa iba na yakapin at mahalikan siya. Kaya't para sa batang babae, ang mga salitang iyon ay parang isang himala, tila para isang liwanag sa gitna ng dilim. Unang beses, ang mga luhang kanina'y kanyang pinipigilan ay biglang bumuhos, kaya't mas lalong humigpit ang kanyang pagyakap kay Mauren.Mabilis din niyakap ni Mauren ang bata, at kanyang pinatahan, "Hindi Natalia, hindi ka naman pangit, maganda at napaka kyut mo pa. Hindi ka ba naniniwala?" malumanay na sabi ni Mauren.Nang mga sandaling iyon, gumaan ang kalooban ng bata matapos niyang marinig kay Mauren ang mga salitang iyon. Bago paman siya makapagsalita, nakita ni Aleya na yakap-yakap muli ng kanyang ina ang batang si Natalia at pinupuri ito sa kagandahan at ka-k
Last Updated : 2026-05-04 Read more