CASSIDY POVLumipas ang dalawang linggo pagkatapos ng pagbisita ni Mika. Naging routine na ang buhay ko rito sa Bulacan—paggising, pag-aalaga sa sarili, pagtatrabaho nang bahagya sa laptop, at pakikipagkwentuhan kay Nanay. Mas tahimik ang buhay, pero hindi ko maikakaila na minsan, kapag gabi at nakatingin ako sa mga ilaw ng poste sa labas, may parte sa akin na laging nag-aabang.Isang hapon, habang nagluluto kami ni Nanay ng merienda, tumunog ang phone ko sa sala. Hindi ito 'yung usual na ringtone para sa mga notification, kundi isang regular na tawag. Tiningnan ko ang screen. Walang pangalan, numero lang.Huminga ako nang malalim bago sagutin. "Hello?""Cassidy."Ang boses niya. Hindi man niya sabihin ang pangalan niya, kilalang-kilala ko ang tonong iyon—malamig, malalim, pero may halong pag-aalinlangan ngayon."Sino 'to?" tanong ko kahit alam ko na ang sagot."It's me, Rafael," sagot niya sa kabilang linya. "Please, huwa
閱讀更多