TALA POVAlas-nuybe y medya pa lang ng umaga ay nasa lobby na kami ng Valerio Tower sa Ortigas. Hawak ko nang mahigpit ang strap ng aking leather bag habang naglalakad sa tabi ni Rocco. Seryoso ang mukha niya, nakasuot ng plantsadong charcoal grey suit. Sa likod namin ay dalawang assistant at si Atty. Gopez na may bitbit na mga briefcase."Miss Tala, good morning po," bati ng receptionist sa front desk. Bakas sa mukha niya ang gulat nang makita kung sino ang kasama ko, pero pilit nitong pinanatili ang propesyonal na tono. "Nasa 24th floor po ang lahat ng board members. Nagsisimula na pong mag-datingan.""Salamat, Sarah," tipid kong sagot bago kami dumi-retso sa VIP elevator.Nang bumukas ang pinto ng elevator sa 24th floor, agad na bumungad sa amin ang pamilyar na glass-walled hallway. Pero bago pa kami makalapit sa pinto ng boardroom, hinarang na kami ng secretary ni Papa na si Grace."Tala... I mean, Miss Tala," medyo natatarantang sabi ni Grace,
Read more