Bigla akong hinawakan ni Leo sa braso at hinila palabas ng silid niya. Nagdere-deretso kami hanggang sa makarating kami sa sala. Tinulak niya ako roon at galit na tiningnan. “Matigas ba talaga ang ulo mo at hindi ka makaintindi ng sinasabi sa ‘yo? Or I said the wrong language, huh?!” galit na tanong niya pa ulit. Napakurap-kurap ako. “What is the meaning of that? Sino ka ba talaga?!” balik-tanong ko. Lalong nagsalubong ang mga kilay niya. “Go back to your room,” utos niya. Napaawang ang bibig ko. Ano bang akala niya sa akin? Utusan niya lang? “No! Answer me! Sino ka ba talaga?!” Nagtangis ang kaniyang mga bagang. I could see his veins bulging on his neck. Kitang-kita ko ang pagpipigil niya sa akin. Pero wala na akong pakealam. He can hurt me if he wants. Or even kill me. Pero kailangan kong malaman ang totoo. “Just go to your room now, Ellaine. Hanggat nakakapagpigil pa ako,” banta niya. Napangisi ako sa sinabi niya. Nangilid na ang mga luha ko sa inis dahil para itong bato
Last Updated : 2026-05-10 Read more