Mas hinapit ni Jonathan ang kanyang bewang, pinagdikit ang kanilang mga katawan. Ang mainit na hininga nito ay dumampi sa kanyang tainga…"Gusto mo ilang beses pa nating gawin?"Nag-isip si Amanda habang nakataas ang mga daliri."Isa, dalawa, tatlo.. Depende na sa 'yo, kung ilang beses mo kaya! Kapag pagod ka na, ehh di itigil mo na.”Isang mahinang ngisi ang pinakawalan ni Jonathan habang idinikit ang noo sa kanya."Ikaw ang nagsabi niyan, ha! Kung ilang beses ko gustuhin, gagawin natin!"Hinawakan ni Amanda ang leeg nito at biglang kinagat ang balat nito. Napaungol si Jonathan, at biglang nanigas ang buong katawan.Hindi naman masakit ang ginawa niya, parang kagat lamang iyon ng isang langgam…Pero may kakaibang kati at hapdi itong iniwan, kasama na ang bakas ng kanyang mga ngipin at laway.Biglang nagbago ang kulay ng mga mata ni Jonathan. Walang pasubali niya itong binuhat at mabilis na dinala palabas ng bar. Ayaw na niyang mag-aksaya pa ng oras para bumalik sa kanyang bahay..Diretso
Leer más