Nagmamadaling nagtungo si Amanda sa mansyon ng mga Fernandez. Pagpasok pa lang niya, nakita agad niya si Tita Soledad na nakaupo pagka-relax-relax sa sofa habang nagpapalagay ng nail polish sa isang kasambahay na nakaluhod sa harapan nito.Nang makita si Amanda, agad na sumimangot si Soledad."Bakit ka nandito?" Bakas sa mukha nito ang matinding pagkadigusto.Wala namang reaksyong sumagot si Amanda. "Nirerespeto ko po kayo, pero nandito ako para kay Dad."Ngayong alam na niya ang dahilan kung bakit sunud-sunod na sumasablay ang mga projects ng matalik na kaibigan niyang si Yna at may kinalaman ang pamilya Fernandez dito kaya dapat lang niyang komprontahin ang ama.Pauyam na tumawa si Soledad. "Kung tama ang alala ko, pinalayas ka na sa pamilyang ito, 'di ba?" Para kay Soledad, si Amanda ngayon ay parang isang kawawang asong gala. Wala na itong karapatang apakan pa ang kahit sulok ng mansyong ito.Malamig na tumingin si Amanda. "Kung may choice lang ako, hinding-hindi ko nanaising magpun
อ่านเพิ่มเติม