"Sabi ni Daddy kapag tatanggihan mo ito alam mo na ang kapalit at sinabi niya na kung susundin mo ang gusto niya, pakakawalan niya ang kaibigan mo," magpapatuloy ni Marcus sa sinabi ng kanyang ama.Biglang lumiwanag ang mga mata ni Amanda. Ang ibig sabihin ba ng ama niya, kung dadalhin niya si Warren sa bahay nila, may tsansang palayain nito si Yna?"Sige."Walang pag-aalinlangang pumayag si Amanda. Kahit na nakahanda na ang kanyang sarili sa iba pang paraan para harapin ang kanyang ama, ayaw pa rin niyang umabot sa puntong tuluyan silang magkaaberya o magkasira. Kung handa itong ibigay ang kundisyong iyon, mas mabuti na kaysa sa makipag-away pa siya rito.Kinaumagahan, pagdating ni Amanda sa company, nagpadala agad siya ng mensahe kay Warren. Sinabi niya rito na kailangan nilang bumisita at maghapunan sa mansion ng pamilya Fernandez mamayang gabi.Akala niya ay dededmahin lamang siya ni Warren. Sa kabila ng kanilang kasunduan na panatilihing sekreto ang annulment at magpanggap pa
Read More