LUMIPAS ang limang taon, pinagawa ulit ni Loyalty ang bahay nila, nagpalagay siya ng isang maliit na clinic. Muling bumalik siya sa pag-aaral. At nakatapos na ng dentistry, iyon ang pangarap niya na ngayon ay natupad na.Nakatingala si Loyalty at inay niyang si Lowella habang pinagmamasdan ang malaking bahay nila.“Napakalaki ng tulong na naibigay mo sa ating pamilya,” sabi ni Wella sa anak, at napaharap siya dito. “Doktora ka na.. kailan mo iisipin ang sarili mo? Wala pa rin bang nagpapalipad hangin sayo, anak? Gusto ko namang makita na masaya ka…”Narinig ni Loyalty ang sinabi ng ina kaya napangiti siya.“Masaya naman ako, Nay,” mahina niyang sagot. “Natupad ko ang pangarap ko. May maayos na tayong bahay, nakapagpatayo pa tayo ng maliit na clinic. Nakapag-aral sina Limon at Lissie. Sapat na iyon para sa akin.”Umiling si Wella at hinawakan ang kamay ng anak.“Hindi lang iyon ang gusto kong sabihin. Bilang ina, gusto ko ring makita na may taong mag-aalaga sa'yo. Iyong ikaw naman ang
Magbasa pa