HINDI nakasagot si Felicity. SA totoo lang gusto na rin niyang makipaghiwalay kay Kyle pero may mga bagay pa siya na gustong gawin at makuha. Iyon ay sa tulong ni Kyle at ng impluwensya ng asawa. Nag-iba ang aura ng mukha ni Felicity. “S-Siguro, we can work it out. Alam ko na nagkukulang na ako sayo, Kyle. Tutulungan mo naman ako, hindi ba?” Napahinga nang malalim si Kyle. Saka marahang tumango. Kailangan niyang mapanatiling buo ang pamilya niya. Hindi para sa kanya, kundi para kay JK. Hindi na nagsalita si Felicity. Lumapit siya kay Kyle at hinawakan ang braso nito. “Thank you,” mahina niyang sabi. “I’ll do better.” Tiningnan siya ni Kyle. Gusto niyang maniwala sa sinabi ng asawa. Para kay JK, handa siyang bigyan pa ito ng pagkakataon. “Hindi lang para sa akin ang kailangan mong magbago, Felicity,” seryosong sabi niya. “Para kay JK.” Tumango si Felicity. “I know.” “Anak natin siya. Kailangan ka niya.” Napayuko si Felicity. Alam niyang tama si Kyle, pero hindi niya maiwasa
続きを読む