NAGPAHATID si Carla sa San Gabriel. Gusto niyang makasama ang kanyang kaibigan. Gusto niyang makahinga sandali mula sa isipin tungkol kay Pearl."Sigurado ka bang okay ka lang sa San Gabriel?" Paniniguradong tanong ni Rigor. Kasalukuyang nasa biyahe na sila."Oo naman. Saka parang isang araw lang ako mawawala. Bukas babalik na ako sa mansyon." Sagot ni Carla.Tumango si Rigor ngunit halata pa rin sa mukha niya ang pag-aalala. Ayaw niyang malayo sa kanya si Carla lalo na sa kalagayan nito. Gayunpaman, alam niyang kailangan din ng nobya ng oras para sa sarili."Pagdating natin doon, tawagan mo ako agad kung may kailangan ka. At huwag mong kalimutang kumain sa tamang oras," paalala niya.Napangiti si Carla."Rigor, hindi naman ako bata. Kaya ko nang alagaan ang sarili ko.""I know. Pero buntis ka at ayokong mapabayaan ka."Napahawak si Carla sa tiyan niya. Ilang buwan pa lamang ang kanyang dinadala ngunit malaking bahagi na ito ng kanyang buhay. Gusto niyang maging maayos ang lahat para
Leer más