“MALI ang ginagawa mo, Sir Kyle. Kung ano ang nangyari noon ay tapos na. Huwag mo ng ibalik pa ang lahat,” nakikiusap na sabi ni Loyalty. Mabilis na umiling si Kyle. “Hindi,” sabi niya. Hinawakan niya sa magkabilang balikat si Loyalty. “Tumingin ka sa mga mata ko at sabihin mong wala lang ang lahat ng iyon.” Napaiwas ng tingin si Loyalty. Hindi niya kayang salubungin ang mga mata ni Kyle. Limang taon na ang lumipas, pero sapat na ang ilang segundo kasama nito para bumalik sa kanya ang lahat ng pilit niyang kinalimutan. “Wala iyon, Sir Kyle,” mahina niyang sagot. Napakunot ang noo ni Kyle. “Look at me.” Dahan-dahang tumingala si Loyalty. Mabilis niyang nakita ang sakit sa mga mata ng lalaki. “Mahal kita, Loyalty.” Nanigas siya sa kanyang kinakatatayuan. “Hindi nagbago iyon kahit limang taon tayong hindi nagkita. Sinubukan kong kalimutan ka. Sinubukan kong isipin na bahagi ka lang ng nakaraan ko. Pero hindi ko nagawa.” Umiling si Loyalty. “Huwag po.” “Bakit?” “Dahil wala
Read more